Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Transfer of Buod ng Noli

Posted on January 17, 2014

Hello sa inyong lahat,

The buod ng noli me tangere will be transferred to my other blog in the near future, www.thewander-woman.com. Hindi ko maasikaso kasi mag update ng blog dahil marami akong ginagawa.

Hanggang sa muli,

www.noli-me-tangere.com

 

Noli Me Tangere …

Posted on March 8, 2013

Hello sa inyong lahat! Pasensya na at hindi ako nakakareply. After such a quite hiatus, I will be updating this blog very soon so stay tuned mga noli me tangere avid fans, mga estudyanteng ginagawang reviewer ang blog nato (ApRUb YaN!), sa mga nagbababasa ng noli at nagbibigay ng inputs para sa ikauunlad ng noli me tangere blog, at sa mga mga echoserang frog ng noli me tangere na naghahanap pa ng buod sa buod na nandito na:). Sa mga nakaka appreciate ng blog ng noli me tangere, maraming salamat. I will get in touch with you guys very soon. At sa mga kumokopya na lang nagrereklamo pa: mga echosera kayo. :) Ganun pa man, check lang yan. fREnZ täU LhT OwKI? KErI LNg mGKoMEnT nG MgKOmenT bSTa HiNdi RaTEd PG!:)

Kabataan, kayo daw ang pag-asa ng sambayanan. (O ng mga katandaan). Kaya pagbutihin ang inyong pagkopya, I mean, ang inyong pag- aaral sa lahat ng subjects, maging Filipino/Noli Me Tangere man or English or Science or Math.

Astalavista!

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 48 Ang Talinghaga

Posted on October 4, 2011

Narito ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 48 Ang Talinghaga.

Buod:
Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw si Maria Clara at Kapitan Tyago. Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging excomulgado, at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 47 Ang Dalawang Senyora

Posted on October 1, 2011

Ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 47 ay tungkol sa tunggalian ng dalawang senyora. Bawat isa ay may mataas na pagtingin sa sarili at mas mataas sila sa mga Pilipino. Ang kanilang kapritso ay hindi matatawaran lalo na kung ang pag-uusapan ay kung sino ang mas magaling sa kanilang dalawa.

Buod:

Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don Tiburcio ay namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa maralitang tahanan ng mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya sa hindi pagbibigay galang sa kanila ng mga nakakasalubong.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 46 Ang Sabungan

Posted on September 15, 2011

Inihahayag ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 46 Ang Sabungan.
Kung dati, ang mga katutubong Pilipino ay gumigising ng maaga at madilim na kung umuwi nang tahanan mula sa bukid , ang dahilan ay ang pagtatatrabaho. Ngunit nag-iba ang kanilang pamumuhay ng sakupin sila ng mga Kastila. Ang kabanatang ito ay paglalarawan ng pagkahilig ng mga Pilipino sa sugal na sabong, isang impluwensya ng mga Kastila na dala-dala natin hanggang sa kasalukuyan. Naging bahagi na rin ito (at ang sugal sa iba't-ibang pamamaraan) ng mga hindi kaaya-ayang kultura ng mga Pilipino, isa sa mga kanser na sumisira sa ating lipunan.
--------------
Buod:

Hindi mawawala ang sabungan sa anumang bayan na nasasakupan ng mga Espanyol. Ang sabungan sa San Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang mga bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan. Ang ulutan na siyang ikalawang bahagi naman naririto ang daanan ng mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda ng samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa pang lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan. Dito nagaganap ang pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na magaganap. Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda, na pinagdarausan ng mga sultada. Ito ang pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang mga Pinag-uusig

Posted on August 28, 2011

Tunghayan ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang mga Pinag-uusig.

Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos ng anim na buwan na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Elias ang sinapit ng kapitan. Malapit ang loob niya sa matanda at itinuturing niya itong ama. Pareho rin silang nag-iisa na sa buhay.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 44 Kabanata 44 Pagsusuri ng Budhi

Posted on August 26, 2011

Narito ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 44 Pagsusuri ng Budhi

Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo ay walang binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang inaalagaan nni Tiya Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago naman ay walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Makalipas ang ilang araw, kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, kung kaya't hindi muna pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa.

Magkakaharap sina Padre Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at napag-usapan na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya naman ng kura na mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 43 Mga Balak o Panukala

Posted on August 24, 2011

Tunghayan ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 43 Mga Balak o Panukala:

Halatang halata ang lubos na pag-aalala sa mukha ni Padre Damaso at tuloy-tuloy itong pumasok sa silid ni Maria Clara. Nananangis ang Pari at sinabi sa anak na hindi ito mamamatay. Lahat ay nagtaka sa ipinakita ni Padre Damaso, hindi nila akalain na sa kabila ng magaspang nitong ugali ay marunong pala itong umiyak at malambot ang kalooban. Naisip din nila na mahal na mahal talaga ng pari si Maria. Pamaya-maya ay tumindig ang pari at nagtungo ito sa silong ng balag upang managhoy.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 42 Ang Mag-asawang De Espadana

Posted on August 22, 2011

Narito ang maikling buod ng Kabanata 42 Ang Mag-asawang De Espadaña

Lahat ay hindi mapanatag at nalulungkot dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara. Tumawag na ng doktor si Kapitan Tyago at ngayon ay kasalukuyang pinagpipilian nila ni Tiya Isabel kung saan maglilimos: sa Krus ng Tunasan na himalang lumaki, o sa Krus na Matahong na nagpapawis. Sa bandang huli ay napagpasyahan ng dalawa na parehong lumisan ang mga ito upang gumaling kaagad si Maria Clara.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 41 Dalawang Panauhin

Posted on August 21, 2011

Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 41.

Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon. Balisa ito sa kaguluhang naganap kung kaya't nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo. Ilang sandali ay dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra.