Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap

Si Padre Salvi ay matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon. Abala ang mga matatanda sa bayan tungkol sa nalalapit na kapistahan habang naghihintay na makausap ang Padre. Nais nilang malaman kung sino ang magmimisa, kung si Padre Damaso ba or si Padre Martin o ang coordinator? Napag-usapan ng mga matatanda ang tungkol sa pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na kaanak na patuloy na nagdurusa sa purgatoryo. Ang isang indulgencia ay katumbas ng mahigit isang libong taon na kaligtasan mula sa pagdurusa sa purgatoryo. Sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro ay hindi nila namalayan ang pagdating ni Sisa.

May dalang handog si Sisa para sa mga prayle. Nag-ani siya ng mga sariwang gulay mula sa kanyang mga tanim at pako na paborito ng kura. Tumuloy na si Sisa sa kusina ng kumbento upang iayos ang kanyang mga dala. Hindi man lamang siya pinansin ng mga sakristan at mga tauhan sa kumbento. Sa huli ay nakausap ni Sisa ang tagapagluto. Napag-alaman niya na maysakit ang pari at hindi niya ito makakausap. Nagimbal din siya sa nalaman na si Crispin ay tumakas kasama ng kanyang isa pang anak pagkatapos nitong magnakaw ng dalawang onsa. Alam na ito ng mga gwardiya sibil at kasalukuyan itong papunta sa kanilang bahay upang hulihin ang kanyang mga anak. Tinuya rin siya nito na hindi niya naturuan ng kabutihang asal ang magkapatid at higit sa lahat ay nagmana ang mga ito sa kanyang walang kwentang asawa.

Nagtatakbo si Sisa palabas ng kumbento sa pagkagimbal sa narinig at sa pag-aalala nito sa kanyang mga anak.

******
Para sa buod ng susunod na kabanata, Kabanata XIX- Mga Suliraning ng Isang Guro

******
Balikan ang buod ng Noli Me Tangere Kabanata XVII

Comments (23) Trackbacks (0)
  1. Thanks! TT

    Kami mag re-report nito by partner TT

    next Thursday na kami~

    kamsha!!!

  2. xiempre! msakit sa isang inA nha nha gnyanin nla ang knyang sariling anak!…………

  3. thank you it help me a lot :’>

  4. BAD TRIP AKO SA FILIPINO!
    Pagawa lng ng pagawa wla akong natutunan d nmn kasi nagtuturo
    mag papagawa n lng ng kabanata!
    papahirapan pa kami pagagawin ng kabanata 17 hangang 32 !!
    tapos pasahan next week lng may gagawin pang sari saring project PISTI
    buti n lng meron buod d2 salamat sa summary ah

  5. Salamat po sa info. =) nakakatulong po ito sa akin… =)

  6. mani kam sa ham nida

  7. tnx! it help me alot

  8. ano ang mahahalagang katanungan para sa kabanatang ito?

  9. thanks nga pla sa inyo ha>>>>>……

  10. maganda tong noli me tangere dapat ma22nan ito ng mga batang, ang mag-aaral ng noli maraming kaung na22nand2 pramise yan!!!

    :)
    by HANY BUNCH :p

  11. yehey thanks yous very muchs po :)

  12. may kulang dito !!! hindi man lng nabanggit kung anong narinig ni sisa na pinagkukuwentuhan ng mga pari


Leave a comment

No trackbacks yet.