Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro

Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing.

Isinalaysay ng butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael kasi ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo nuong siya ay nagsisimula pa lamang.

Naisalaysay ng guro ang mga suliraning kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na dito ang kawalang ng panggastos para sa mga kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan. Ang mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit anong tyaga ng guro na iaral sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din itong mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra, kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng pagdedesiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon.

Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.

******
Balikan ang buod ng Noli Me Tangere Kabanata XVIII

Comments (66) Trackbacks (0)
  1. Nasan ang Kabanata 20 at iba pa?

  2. Salamt dito :) may Project nakokay Ma”am

  3. Thanks po pla sa site ng Noli :]

    Question : waLa po bang kabanata 20 ?

  4. may 20?????????po ba??????????

  5. ok near to finish na po aq,
    Later cgurado finish na aq sYEmpre aq pa ndi mkatapos macpag ata 2,

  6. ganda ng pag ka buod yn pwde na aq mka report yn ky mam

  7. ahm. may 20 po ba?? TY!!

  8. ganda talaga ng nolime tangere..

    salamat sa information..<3

  9. it really helps me thank you very much po

  10. super ganda talaga ng noli me tangere

  11. thanks for this website
    because of this i can pass now my project

  12. naka2tlong ang website n 2 s mga mag aaral n ktlad q…… thanks a lot

  13. tnx a lot nakatulong sya sa akin :) ))

  14. Wala na po bang Kabanata 20+? Kulang pa po ehh.. Pero Thankyou for the buod. It helped me ALOT. :*

  15. greetings. ito lang po ba lahat? di ba merong 64 na kabanata ang noli? need much! :) baka merong makapag-bigay ng link jan sa buod ng iba pang kabanata. thanks!

  16. Salamat po sa impormasyon… nakatulong talaga ito sa report namin…

  17. i like this………supa…..

  18. :0 grabe naman ni padre damaso noh sa pang-aapi ng mga guro:)

  19. maganda po yung pagkasummurize nyo poh sa bawat kabanata……^_^

  20. HAGAAN 19 LNG PO TALAGA YAN ? :D

  21. yeees ~

  22. Tamang tama sa buod ko para kay T. Rossan

  23. mari meng king kipigwapa

  24. Wala Na Ho Ba Yung Ibang Kabanata ?

  25. ang ganda mo ng kwento may ganyan parin po sa realidad ngayon mahirap ang pag-aaral lalo na sa mga public school

  26. Hanggang Kabanata 19 Lang po ?

  27. Nice2x.. ganda ng pagkakagawa ah! :)

  28. wala pa ung ibang kabanata… hihintayin ko po ung iba

  29. -_-!

  30. lahat naman ay…

  31. NICE,.. Kaso nasan po yung mga kasunod na kabanta? Why hanggang XIX lang?
    Sana po matapos nyo po hanggang dulo…

  32. .. anhaba po pero ok na po

  33. mas ok 2.,,2 gnamit q sa pagre2port q,,mas maikli kc…wuw

  34. thanks sa buod na e2 …
    naka2long e2 sa project ko..
    GOD BLESS..

  35. ang ganda ha…gusto ko ito! likes!

  36. tnx sa website po na ito sobrang naka2tulong po sken :)

  37. it’s nice


Leave a comment

No trackbacks yet.