Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 26 – Ang Bisperas ng Pista
Maikling buod ng noli me tangere kabanata 26
Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa bisperas pa lamang ng Pista ay nakahanda na ang lahat. Nagagayakan ang mga bahay ng kanilang mga pinakagarbong palamuti, kurtina at iba't-ibang dekorasyon at pati na mga minana at antigong kagamitan. Ang hapag-kainan naman ng mga mayayaman ay punong-puno ng mga iba't-ibang masasarap na putahe, kakanin, panghimagas at mga inangkat at mamahaling mga alak mula pa sa Europa. Inilalaan ang mga pagkaing ito para sa lahat, kahit na taga-ibang bayan upang maging masaya ang kapistahan. Ang bawat sulok ng bahay ay malinis at makintab, sadyang pinaghandaan at iginayak para makita ng lahat. Maya't maya rin ang pagpapaputok ng kwitis, batingaw ng kampana at tugtugan ng mga banda ng musiko.
Ang plasa naman ng San Diego at mga matataong lugar ay pinalamutian ng arkong kawayan, pati na rin ang harapan ng simbahan na nilagyan ng tolda para sa prusisyon. May tanghalan din na nakalaan para sa pagtatanghal ng komedya at iba pang palatuntunan. May partisipasyon sa kasayahan ang mga mayayaman sa Sa Diego, tulad ni Kapitan Tiago at Kapitan Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba pa. Si Padre Damaso naman ang nakalaang magmisa sa umaga. Ang mga magsasaka at mahihirap ay iginayak ang kanilang mga pinaka-mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin.
Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. Sagot niyang lahat ang gastos dito, at magalang na tinanggihan ang alok na tulong ng mga mayayaman at ng pari. Ang bahay-paaralan na kanilang itinatayo ay katumbas ng mga paaralan sa Europa, hiwalay ang mga babae sa lalaki, may lugar para sa pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at mayroon ding silid pang-disiplina sa mga batang mag-aaral.
Marami ang humanga sa kanyang ginawa ngunit marami din naman ang palihim niyang naging kaaway.
------------------------------
Para sa iba pang maikling buod ng Noli Me Tangere:
Susunod na kabanata:
Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 27
Sinundang kabanata:
Maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 25
Enjoy this article?
Social Networks:
Categories
- Buod ng Noli Me Tangere (46)
- Mga Paliwanag sa Bawat Kabanata ng Noli Me Tangere (2)
- Noli me Tangere Resources (1)
- Noli Me Tangere Trivia (2)
Buod ng mga Kabanata
- Buod ng Kabanata 10: Ang San Diego
- Buod ng Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan
- Buod ng Kabanata 12: Araw ng mga Patay
- Buod ng Kabanata 13: Mga Babala ng Bagyo
- Buod ng Kabanata 14: Si Tasyo, ang Baliw o ang Pilosopo
- Buod ng Kabanata 15: Ang Mga Sakristan
- Buod ng Kabanata 16: Si Sisa
- Buod ng Kabanata 17: Si Basilio
- Buod ng Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap
- Buod ng Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro
- Buod ng Kabanata 1: Ang Pagtitipon
- Buod ng Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
- Buod ng Kabanata 3: Ang Hapunan
- Buod ng Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
- Buod ng Kabanata 5: Isang Tala sa Gabing Madilim
- Buod ng Kabanata 6: Si Kapitan Tyago
- Buod ng Kabanata 7: Suyuan sa Asotea
- Buod ng Kabanata 8: Mga Alaala
- Buod ng Kabanata 9: Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
Recent Posts
- Noli Me Tangere …
- Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 48 Ang Talinghaga
- Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 47 Ang Dalawang Senyora
- Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 46 Ang Sabungan
- Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang mga Pinag-uusig
- Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 44 Kabanata 44 Pagsusuri ng Budhi
- Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 43 Mga Balak o Panukala
- Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 42 Ang Mag-asawang De Espadana
- Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 41 Dalawang Panauhin
- Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 40 Ang Karapatan at Lakas
- Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 22 – Liwanag at Dilim
- Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 23 – Ang Piknik
- Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 39 – Si Donya Consolacion
- Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 38 – Ang Prusisyon
- Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 37 – Ang Kapitan Heneral
Archives
- March 2013 (1)
- October 2011 (2)
- September 2011 (1)
- August 2011 (6)
- July 2011 (6)
- June 2011 (3)
- May 2011 (21)
- March 2011 (8)
March 4th, 2013 - 18:20
salamat sa buod…
March 4th, 2013 - 15:20
hindi ba’t nobyembre 12 yung kapistahan .?
February 27th, 2013 - 19:01
yehh.. love it.
February 25th, 2013 - 14:11
makakatulong ito sa aking proyekto
February 21st, 2013 - 18:59
paano gumawa ng isang comics,pwede patulong?
February 20th, 2013 - 06:08
salamat po sa ginawa nyong buod… nakatulong po tlga to sa irereport ko mamaya..
February 6th, 2013 - 23:57
thank you very much I really appreciate your effort
January 26th, 2013 - 15:01
salamat sa iyong ginawang buod ito ay magiging malaking tulong sa aking takdang aralin
January 6th, 2013 - 10:25
salamat sa boud
December 18th, 2012 - 18:58
aztig ang mga boud
October 11th, 2012 - 00:14
ty
August 6th, 2012 - 19:21
salamat sa mga buod na ito nakatulong ito sa aking pagrereprt at pag aaral ng noli me tangere
June 21st, 2012 - 16:50
it’s easy!
June 21st, 2012 - 16:48
i like it!
March 7th, 2012 - 06:55
copy for my report
January 22nd, 2012 - 15:20
…
October 16th, 2011 - 14:00
..
August 24th, 2011 - 16:58
salamat sa buod na ito ..makaktulong ito sa aking pag rereport .. TC
October 5th, 2012 - 12:12
salamat sa buod
January 28th, 2013 - 12:58
salamat makakatulong ito s aking report