Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Noli Me Tangere – Kabanata 27 – Sa Pagtatakipsilim

Posted on May 26, 2011

Maikling buod ng noli me tangere kabanata 27

Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan sapagkat ikinasisiya niya ang mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang mamanugangin, lalo na at kahit sa Maynila ay tanyag na tanyag ang binata. Sa ganitong pagkakataon ay kasama siyang mapupuri sa mga pahayagan. Samu't saring pagkain at inumin na inangkat pa mula sa ibang bansa ang nasa kanyang tahanan. Pinasalubungan din niya si Maria ng mga kagamitang may mamahaling bato.

Nagkita sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam naman si Maria na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at kinumbida ng mga ito si Ibarra, na pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni Kapitan si Ibarra na duon na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso, na magalang namang tinanggihan ni Ibarra.

Lumakad na ang magkatipan kasama ang mga kadalagahan. Napadaan sila sa kanilang kaibigan na si Simang at ito ay sumama rin sa kanila na mamasyal. Nang marating nila ang liwasang bayan, sinalubong sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman si Maria at binigay niya dito ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng pagtataka ng kanyang mga kasama. Lumapit naman ang walang katinuan na si Sisa at kinausap ang ketongin. Itinuro nito ang kampanaryo at sinabing anduon ang kanyang mga anak, at pagkasabi nito ay umalis ng pakanta-kanta. Lumisan na rin ang ketong na dala ang bigay sa kanya ni Maria.

Napag-isip isip ni Maria na marami pala ang mga mahihirap at kapus-palad at iyon ay naging lingid sa kanyang kaalaman.

------------------------------
Para sa iba pang maikling buod ng Noli Me Tangere:

Susunod na kabanata:
Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 28

Sinundang kabanata:
Maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 26

Comments (22) Trackbacks (1)
  1. sarap magresearch tungkol dito
    subukan niyo masaya to at sa
    reporting time in filipino subject
    let’s do it guys
    :3

  2. MY PROJECT NA KO SALAMAT TALAGA

  3. woah!!!!! sawakas mkakapag report na din ako ngayon salamat sa gumawa nito haha Yes YeHey,!!!!

  4. i can do my homework now… thanks 2 this

  5. its a big help for all students……..

  6. yes….i can make my homework now…..

  7. Salamat po sa mga ginawa mong buod ng buod! Sobrang nakatutulong siya sa akin! :)

    Tanong lang po, magkakaroon ba ng buod para sa kabanata tungkol kay Elias at Salome, yung orihinal na kabanata 25?

  8. napakagandang lugar upang magbasa ng mga kabanata at napakadaling intindihin maraming salamat sa gumawa nito

  9. yes makakapag report na din ..^_^

  10. tara lets.. mg.summer na tayo guyzts…

  11. this will help me in my homework! great website

  12. napakagandang pag-uugali ang ipinakita ni maria clara sa ketongin, dahil ang mas importanteng bagay ay kaya niyang ibigay. mahirap itong gawin lalo na sa panahong ito dahil kung makikita lamang natin o kaya ay mapapansin ang mga tao ay nagbibigay laman ng subra sa kanilang bulsa o kaya ay di na nila magagamit. kaya katangitangi talaga ang pag-uugali ni maria clara na dapat sundin din ng nakararami.

  13. its a big help for me.. :) no hussle.


Leave a comment