Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 28 – Sulatan

Posted on May 27, 2011

Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 28. Ang pagsusulatan ay isang kaugaliang Pilipino at ang paraan ng ligawan noong kapanahunan ni Rizal.

Buod.

Katulad ng inaasahan, nalathala sa pahayagan sa Maynila ang mga naganap sa kapistahan ng San Diego. Iniulat ang marangyang kapistahan at mga tanyag na tao sa San Diego, pati na rin ang mga musiko, at mga palatuntunang naganap. Kasama rin sa balita ang mga pari sa bayan, ang komedyang naganap at mga mahuhusay nitong artista, na tanging mga Kastila lamang ang nasiyahan sapagkat ang komedyang iyon ay idinaos sa wikang Kastila. Ang mga Pilipino naman ay nasiyahan sa komedyang Tagalog. Hindi naman dumalo si Ibarra sa mga palabas na iyon.

Kinabukasan ay nagkaroon ng prusisyon para sa mga santo at santa. Nagkaroon din ng misa na pinamunuan ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan na pinangunahan ni Kapitan Tyago at Maria. Ikinayamot naman ito ng huli.

Sinulatan ni Maria si Ibarra sapagkat ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hiniling ng dalaga na siya ay dalawin at nagpaimbita ito na imbitahan siya ni Ibarra sa pagpapasinaya ng binata ng bahay-paaralan.

------------------------------
Para sa iba pang maikling buod ng Noli Me Tangere:

Susunod na kabanata:
Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 29

Sinundang kabanata:
Maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 27

Comments (9) Trackbacks (1)
  1. Salamat ng marami sa gumawa po nito!

  2. aUs pho! nise job

  3. YES! salamat po. It Help Me….! :) :-p :-D

  4. yessssssssssssssssssssssss

  5. thanks for this site ! :) this helps me my assingment

  6. adios! aynid2CApi! dOnaThaVANInk!
    how???


Leave a comment