Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 30 – Sa Simbahan

Posted on May 29, 2011

Maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 30. Dito inilalarawan ni Jose Rizal ang kanyang pagtutol sa mapanlait at mahahayap na ugali ng mga prayle noong panahong iyon. Bagamat siya ay tumatangkilik sa relihiyon, hindi naman niya maatim ang mga kagaspangan ng pag-uugali ng mga prayle. Inilalarawan din ang matapat na pagtangkilik ng mga Pilipino sa relihiyong nakagisnan, kahit pa ang kapalit nito ay ang kanilang kabuhayan.

Buod:

Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init at iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng lahat sa halagang P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng magbayad ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang impyerno naman sa komedya.

Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating ang alkalde mayor. Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat. Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya ay dumating, naghanda na ang lahat upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso.

Sinamantala naman ng Padre ang walang pakundangang paglibak sa pari na nagmisa kahapon, si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit siyang magaling magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang mag-sermon hanggat hindi ito tapos makapag-mayabang.

------------------------------
Para sa iba pang maikling buod ng Noli Me Tangere:

Susunod na kabanata:
Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 31

Sinundang kabanata:
Maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 29

Comments (12) Trackbacks (1)
  1. I was suggested this web site by my cousin. I’m not sure whether this post is written
    by him as no one else know such detailed about my trouble.
    You’re incredible! Thanks!

  2. It’s wonderful that you are getting ideas from this piece of writing as well as from our dialogue made here.

  3. ang ganda ng buod ng ito

  4. Salamat po sa nag-buod nito! It’s a big help! ^_^

  5. maraming maraming thank you talaga sa gumawa ng website na ito……

    sobrang nakakatulong talaga sa mga estudyanteng tulad ko… :D

  6. tnx and nice story

  7. Nop!! … maganda ang story !! hindi mo lang kasi naintindihan kasi bobo ka .. at walang pinagaralan .!!

  8. this is a big help :) )

  9. ang gannda ng kwento nito


Leave a comment