Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 48 Ang Talinghaga

Posted on October 4, 2011

Narito ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 48 Ang Talinghaga.

Buod:
Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw si Maria Clara at Kapitan Tyago. Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging excomulgado, at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra.

Nabigla naman ang binata ng siya ay mapunta sa balkon. Nandoon si Maria Clara at si Linares naman sa gawing paanan nito na nag-aayos ng mga bulaklak. Nagulat si Linares at si Maria Clara naman ay namutla, at sinikap mang tumayo ngunit ito ay hindi pa lubos na magaling. Ipinaalam ni Ibarra ang dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag naman sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot at dahil dito, ay nagpaalam kaagad si Ibarra. Sinabi ng binata na dadalaw itong muli kinabukasan.

Umalis si Ibarra na may kaguluhan ang isip at damdamin. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa ipinapagawang paaralan. Ipinaalam niya sa lahat lalo na kay Nol Juan na wala silang dapat ipangamba sapagkat siya ay tanggap na muli ng simbahan. Sinagot naman siya ni Nol Juan na ang pagiging excomulgado ay hindi mahalaga para sa kanila, sapagkat lahat sila ay mga excomulgado rin.

Namataan ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa mukha ng huli na may nais siyang ipaalam sa binata. Inutusan ni Ibarra si Nol Juan na ibigay sa kanya ang talaan ng mga obrero. Iminungkahi ni Elias na sila ay mamangka sa lawa upang mapag-usapan ang isang napakahalagang bagay, na sinang-ayunan naman ni Ibarra. Dumating naman si Nol Juan at ibinigay ang listahan, ngunit hindi nakalista doon ang pangalan ni Elias.

Comments (14) Trackbacks (0)
  1. wow galing mo mag BOUD kuya!!!! ^_^

  2. salamat sa matiyagang pagbubod ng Noli. Meron bang buod ng Noli mula kabanata49 hanggang katapusan?

  3. bakit po ‘ang talinghaga’ ang pamagat ng kabanta?

  4. Wala pa po bang palabas ang noli me tangere ???
    Sana magkaroon ang ganda kasi nang kwento ni Ibarra at Maria Clara .. :D

    • meron plabas ung noli .. series sya. pero d q alm kung saan nkakabili. Pnapanuod lng rn smin ng teacher nmin ehh.

      ang ganda nuung gumanap ky maria clara hehehe

  5. Kabanata 49 po???

  6. san na ung kabanata 49 ?

  7. Wala na pong kasunod? :(

  8. wala bang kabanata 55 baraha ng mga patay


Leave a comment

No trackbacks yet.