Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Kabanata 16: Si Sisa

Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing ina nila Crispin at Basilio. Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang likas na ganda nito ay pinatanda ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa siya ng isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi dalamhati. Gabi gabi itong nagsusugal, iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy sa lansangan. Wala itong pakialam sa buhay nilang mag-iina, bagkus ay nakukuha pa siya nitong bugbugin kapag ito ay umuuwi. Si Sisa naman ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng kanyang asawa at patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy ay diyos.

Naghanda ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. Bagay na hindi nila madalas matikman sa kanilang buhay. Inihain niya ang paborito ng mga bata: tuyong tawilis at sariwang kamatis para kay Crispin; at tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok naman para kay Basilio, mula sa kagandahang loob ni Pilosopo Tasyo.

Sa kasamaang palad, ang naunang dumating ay ang kanyang asawa na walang pakundangang inubos ang inihain niya para sa kanyang mga anak. Hindi man lang nito itinanong ang kalagayan nilang mag-iina at bagkus ay inihabilin pa na bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata. Walang nagawa ang martir na si Sisa kundi maghinagpis sa pag-ala-ala na wala na ang masarap na hapunan na inihanda niya para sa kanyang mga anghel. Nagluto siyang muli upang kahit papaano ay may makain ang mga bata pagdating nito mula sa simbahan.

Makalipas ang matagal na sandali at pagkainip sa paghihintay ay nakarinig siya ng malalakas na tawag mula kay Basilio.

******
Para sa buod ng susunod na kabanata, Kabanata XVII- Si Basilio

******
Balikan ang buod ng Noli Me Tangere Kabanata XV

Comments (43) Trackbacks (0)
  1. Thank you for this info :) )

  2. thank you nd na ako papakahirap

  3. Kawawa naman yung mag ina hindi pa makakain nag mga bata dahil sa kanilang walang kwentang itay kaya ako bilang lalake ayaw kung mag pakahirap para maitostos ko ang aking pamilya

  4. Thank you po talaga sa gumawa nito. Super detailed ng mga important points. Thank you po talaga, nakatulong ‘to para sa report ko. =)))

  5. arigato gozaimasu!! super ang tuloong nito :)

  6. arigato gozaimasu!! super nakatulong!!

  7. grabe kawawa ung pamilya nila siraulo ang kanilang ama kawawang ina at naghihirap na anak

  8. 1 dionisa clap para s gumawa n2
    beri gud beri gud..

  9. ang ganda …. nice one

  10. super laki ng naitulong nito para sa project namin. SALAMAT po. :)

  11. mamats sa info

  12. salamat sa gumawa nito. super napabilis ko ang paggawa ng project ko.THANK YOU VERY MUCH =3

  13. anong kulturang pilipino ang makikita dito?

  14. * thank you a lot for that sharing a BUOD of NOLI METANGERE

  15. May ARAL po ba yan?? anung aral po ba yan? para lng po sa Journal ko D Thanks!

  16. Salamat ;) ) Buod na buod =)) thankyou matatapos na din Journal ko!!! =)))))) HAHHAHA <3

  17. wla bng magandang aral???

    question lng :)

  18. thanks po buti na lang po 1-16 lang kkupyahin ko pra sa project thanks much…

  19. Galing nio po!! Thank you!!

  20. wow galeng.. ang ganda ng buod.. as in naintindihan ko siya .. :) )
    ..buti na lang eto ung na assign saken na i rereport ko..hindi na ako magpapagod pa sa pag susumarized.. ..lols.. da best ! :) )

  21. pede mo bang maihahalintulad si sisa sa ating bayan? paani mo xa maihahalintulad?

  22. dahil po dito napasa ko ang subject ko thanks..

  23. salam:)))) napaka ganda ng pa bbuod nin’u napapadali lang ang pag kuha nang impormasyon. keep up the good work salamat :)

  24. ang ganda .. galing nyo . :)

  25. thanks po/…. dito ako lage naghahanap ng buod for the whole noli me tangere

  26. it really helps a lot!!

  27. tnx you sa buod ng 12-19 tapos na ko sa project ko ^_^V……….

  28. good job ! dont need a book anymore … :P

  29. . okey po sana ksu mttwag ko pa ba tong buod? e mahaba pa rin po.. wala po bang mas maiksi ?

  30. ..sobrang nakaka tulong wew..yeypie done.

  31. napakaganda ng buod mo. maayos at madaling maunawaan ng bawat mambabasa. kung kaya’t bibigyan kita ng two thumbs up. :-bd. good job. pagpatuloy ay magandang gawi

  32. ganda tlga nakakatulong sa pag aaral ko at sa iba!!!!!!!


Leave a comment

Trackbacks are disabled.