Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Kabanata 1: Ang Pagtitipon

Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng Anluwage.

Napuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina.

Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil.

Bawat grupo ng mga panauhin ay may kani-kaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa.  Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.

******
Gabay sa pag-aaral ng Noli Me Tangere Kabanata 1

******
Para sa buod ng susunod na kabanata, Kabanata 2 - Si Crisostomo Ibarra

Comments (13) Trackbacks (0)
  1. wala po bang mas buod pa jan sa lahat ng kabanata ?? Need lang po

  2. Thanks sooo soo soo much! this helped me a lot!!!! <333333

  3. thank you dito! mas napadali ako sa project ko. :)

  4. tnkz soooo muuuccchhh……..!!!pero may mali ehh….marami ang hindi nasama sa pag bubuod ni2 sayang,..marami sna akong taning na mabigay sa aking kaklase……tsskk….!!!!!!!but 8tz great,,!!!!!!

  5. Hindi po si Padre Sibyla yung may gusto sa mga babae at kay Maria Clara. Si Padre Salvi po iyon.

  6. Si Padre Sibyla po yung lihim na sumusubaybay kay Ibarra. Pero si Padre Salvi yung may gusto sa kababaihan at kay Maria Clara. Pati din po doon sa Gabing Madilim niyo na buod, hindi po si Padre Siblya yung nag-iisip kay Maria Clara. Si Padre Salvi po iyon.

  7. hay salamat meron palang ganto madali ko nlang tatapusin itong proyekto ko……………..

  8. thanks dito :) )
    proj. namen ko sa filipino .. grabe dami :( (
    kaya ko kaya until aug. 11 ? haha

  9. saan po b mahahanap ung mga pictures ni2?? pero mas maganda po sya mas dumali ung project ko kay maa’m liwanag haha specific pa haha

  10. Thanks sa admin…. laking tulong to…

  11. tnxx .. natapos dn nkapagreport ako ng maayos … :) salamat pho :)


Leave a comment

(required)

Trackbacks are disabled.