Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Transfer of Buod ng Noli

Posted on January 17, 2014

Hello sa inyong lahat,

The buod ng noli me tangere will be transferred to my other blog in the near future, www.thewander-woman.com. Hindi ko maasikaso kasi mag update ng blog dahil marami akong ginagawa.

Hanggang sa muli,

www.noli-me-tangere.com

 

Noli Me Tangere …

Posted on March 8, 2013

Hello sa inyong lahat! Pasensya na at hindi ako nakakareply. After such a quite hiatus, I will be updating this blog very soon so stay tuned mga noli me tangere avid fans, mga estudyanteng ginagawang reviewer ang blog nato (ApRUb YaN!), sa mga nagbababasa ng noli at nagbibigay ng inputs para sa ikauunlad ng noli me tangere blog, at sa mga mga echoserang frog ng noli me tangere na naghahanap pa ng buod sa buod na nandito na:). Sa mga nakaka appreciate ng blog ng noli me tangere, maraming salamat. I will get in touch with you guys very soon. At sa mga kumokopya na lang nagrereklamo pa: mga echosera kayo. :) Ganun pa man, check lang yan. fREnZ täU LhT OwKI? KErI LNg mGKoMEnT nG MgKOmenT bSTa HiNdi RaTEd PG!:)

Kabataan, kayo daw ang pag-asa ng sambayanan. (O ng mga katandaan). Kaya pagbutihin ang inyong pagkopya, I mean, ang inyong pag- aaral sa lahat ng subjects, maging Filipino/Noli Me Tangere man or English or Science or Math.

Astalavista!

Noli Me Tangere II – Si Crisostomo Ibarra

Posted on May 18, 2011

MGA PALIWANAG
Dito ipinakita ang kahinaan ni Padre Sibyla- babae. Madali siyang humanga at magkaroon ng obsesyon sa isang babae na kanyang matipuhan. Dahil sa ganitong pag-uugali ay napaalis siya sa bayan ng Camiling kung saan siya naninilbihan dati bilang kura. Dito rin ipinakita ang kakaibang interes ng pari ng makilala si Ibarra dahil sa ito ay may hindi pangkaraniwang pananaw at nagmula pa sa Europa. Naging gawain na rin niya sa mga susunod na kabanata ang pagmasdan si Ibarra ng palihim upang mapag-aralan ito para sa kanyang sariling kapakanan.

Dito naman ipinakita ang pagkabigla ni Padre Damaso nang malaman na si Ibarra ang panauhin. Maaring sabihin na ang pagkabigla niya ay sanhi ng kalapastanganang ginawa niya sa ama ng binata. Maari din naman na ang pakahulugan ng kanyang pagkabigla ay hindi niya matanggap na may Indiyong nakapag-aral ng karunungan sa Europa at ngayon ay may balak na ipamahagi ang liberal na kaisipan sa kanyang mga nasasakupan.