Noli Me Tangere

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 48 Ang Talinghaga
Narito ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 48 Ang Talinghaga.

Buod:

Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw si Maria Clara at Kapitan Tyago. Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging excomulgado, at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra.

Nabigla naman ang binata ng siya ay mapunta sa balkon. Nandoon si Maria Clara at si Linares naman sa gawing paanan nito na nag-aayos ng  mga bulaklak. Nagulat si Linares at si Maria Clara naman ay namutla, at sinikap mang tumayo ngunit ito ay hindi pa lubos na magaling. Ipinaalam ni Ibarra ang dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag naman sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot at dahil dito, ay nagpaalam kaagad si Ibarra. Sinabi ng binata na dadalaw itong muli kinabukasan.

Umalis si Ibarra na may kaguluhan ang isip at damdamin. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa ipinapagawang paaralan. Ipinaalam niya sa lahat lalo na kay Nol Juan na wala silang dapat ipangamba sapagkat siya ay tanggap na muli ng simbahan. Sinagot naman siya ni Nol Juan na ang pagiging excomulgado ay hindi mahalaga para sa kanila, sapagkat lahat sila ay mga excomulgado rin.

Namataan ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa mukha ng huli na may nais siyang ipaalam sa binata. Inutusan ni Ibarra si Nol Juan na ibigay sa kanya ang talaan ng mga obrero. Iminungkahi ni Elias na sila ay mamangka sa lawa upang mapag-usapan ang isang napakahalagang bagay, na sinang-ayunan naman ni Ibarra. Dumating naman si Nol Juan at ibinigay ang listahan, ngunit hindi nakalista doon ang pangalan ni Elias.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 47 Ang Dalawang Senyora
Ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 47 ay tungkol sa tunggalian ng dalawang senyora. Bawat isa ay may mataas na pagtingin sa sarili at mas mataas sila sa mga Pilipino. Ang kanilang kapritso ay hindi matatawaran lalo na kung ang pag-uusapan ay kung sino ang mas magaling sa kanilang dalawa.

Buod:

Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don Tiburcio ay namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa maralitang tahanan ng mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya sa hindi pagbibigay galang sa kanila ng mga nakakasalubong.

Napadaan ang mag-asawa sa tapat ng bahay ng alperes, na nagkataon naman na naroroon si Donya Consolacion. Ng magtama ang kanilang paningin, sumibangot at dumura ang maybahay nang alperes na malaking ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito si Donya Consolacion at nagkaroon ng balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang alperes habang ang huli naman ay tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap nang asawa nang Donya. Hindi na rin pinaligstas ni Donya Consolacion ang pagkakataong iyon, dinala ang latigo ng asawa at sinugod si Donya Victorina. Ngunit hindi naman nagpang-abot ang dalawang Donya sapagkat namagitan ang kanilang mga asawa.

Nasaksihan ito ng taong-bayan sapagkat ang kanilang away ay sadyang nakakabulahaw. Dumating din ang kura at inawat ang dalawa. Sinagot naman ng alperes ang kura at tinawag itong ‘mapagbanal-banalang Carliston’. Si Victorina naman ay inutusan ang kanyang asawa na hamunin ang alperes ng barilan, na tinanggi naman ng huli. Anupa't dahil dito ay nahablot na naman ang kanyang pustiso.

Pamaya-maya ay nakarating sa bahay ni Kapitan Tyago ang mag-asawa. Nadatnan naman nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga kaibigan nito. Napagbalingan ng Donya ang binatang si Linares, at inutusan ito na hamunin ang alperes at kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang pagkatao. Hindi naman malaman ni Linares ang kanyang gagawin. Habang humihingi ng paumanhin ang binata sa Donya ay siya namang dumating ang Kapitan. Sinalubong kaagad ito ng Donya at nagdadaldal tungkol sa nangyari. Inipit din nito si Linares sa Kapitan, at sinabing kung hindi ito gagawin ng binata ay marapat lamang na walang kasalang magaganap sapagkat hindi bagay si Maria Clara sa isang duwag. Nagpahatid naman sa silid si Maria Clara dahil sa narinig mula sa Donya.

Madilim na ng umalis ang mag-asawang Tiburcio at Donya Victorina, dala ang ilang libong piso na salaping bayad ni Kapitan Tyago sa panggagamot ni Tiburcio kay Maria Clara. Si Linares naman ay hindi matahimik sa gipit nitong sitwasyon.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 46 Ang Sabungan
Inihahayag ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 46 Ang Sabungan.

Kung dati, ang mga katutubong Pilipino ay gumigising ng maaga at madilim na kung umuwi nang tahanan mula sa bukid , ang dahilan ay ang pagtatatrabaho. Ngunit nag-iba ang kanilang pamumuhay ng sakupin sila ng mga Kastila. Ang kabanatang ito ay paglalarawan ng pagkahilig ng mga Pilipino sa sugal na sabong, isang impluwensya ng mga Kastila na dala-dala natin hanggang sa kasalukuyan. Naging bahagi na rin ito (at ang sugal sa iba't-ibang pamamaraan) ng mga hindi kaaya-ayang kultura ng mga Pilipino, isa sa mga kanser na sumisira sa ating lipunan.

Buod:

Hindi mawawala ang sabungan sa anumang bayan na nasasakupan ng mga Espanyol. Ang sabungan sa San Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang mga bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan. Ang ulutan na siyang ikalawang bahagi naman naririto ang daanan ng mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda ng samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa pang lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan. Dito nagaganap ang pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na magaganap. Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda, na pinagdarausan ng mga sultada. Ito ang pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan.

Ng araw na iyon, ilan lamang sa naparoon sa sabungan sina Kapitan Tyago, Kapitan Basilio at Lucas. Dala ng tauhan ni Kapitan Tyago ang isang malaki at puting lasak na manok, samantalang kay Kapitan Basilio ay isang bulik na manok. Bago magsimula ang sabong at pustahan ay nagkumustahan muna ang magkaibigan. Pagkatapos ay nagkasundo sa pustahan sa halagang P3000.00. Naging matunog ang ginawang pustahan kayat nakipag-pustahan na rin ang iba pang mga sabungerong naroroon. Lumilitaw naman sa sabong na llamado ang puti at dehado ang pula.

Naiinggit naman ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang makipusta. Lumapit sila kay Lucas upang manghiram ng salaping maipansusugal, ngunit nagbigay naman ang huli ng kundisyon. Ang kundisyon ay kung sasama sila sa paglusob sa kwartel, at kung sila ay makapag-aakay pa ng iba ay may mas malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas, hindi niya magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya't ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag sa kasunduan. Noong una ay  hindi pumayag ang magkapatid sapagkat kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang Kapitan Heneral. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, namataan nila si Pedro na binibigyan ni Lucas ng salapi kung kayat higit silang nanghinayang. Bandang huli ay hindi na rin nakatiis ang magkapatid sa tawag ng sugal. Lalo na at umiinit na ang labanan ng mga oras na iyon: ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago.

Lumapit sila kay Lucas at inihyag ang kanilang pagsang-ayon sa kondisyon. Tinagubilinan sila ng huli na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan, ang utos ay kanilang matatanggap sa ikawalo ng gabi nang ikalawang araw. Pagkatapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang mga Pinag-uusig
Tunghayan ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang mga Pinag-uusig.

Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos ng anim na buwan na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Elias ang sinapit ng kapitan. Malapit ang loob niya sa matanda at itinuturing niya itong ama. Pareho rin silang nag-iisa na sa buhay.

Sinubukang kumbinsihin ni Elias ang Kapitan na maisama ito sa mga lupain ng katutubo. Malayo man ito sa sibilisasyon ay makakapamuhay ng mapayapa ang matanda at makakalimot sa sinapit ng kanyang pamilya. Tinanggihan naman ito ng matanda at matiim itong nanindigan na ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa kanyang mga anak sa kamay ng mga dayuhan. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagkakaroon ng katarungan ang kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya.

Tatlo ang anak ni Kapitan Pablo, isang babae at dalawang lalake. Pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan ang kanyang anak na dalaga. Ang isa niyang anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari kung kayat nagpunta ito ng kumbento. Tila nagkaroon naman diumano ng nakawan sa kumbento kung kaya't pinagbintangan ang kanyang anak na lalaki. Hindi man napatunayan ang nasabing nakawan, hinuli pa rin ito at ibinitin at nakatikim ng pagpapahirap sa kamay ng mga awtoridad. Hindi tinugon ni Kapitan Pablo ang mga sigaw ng pagtawag ng kanyang anak sapagkat noon ay mas nanaig ang kanyang kaduwagan at pagnanais sa mapayapang buhay. Ang kura naman ay hindi man lamang naparusahan kundi inilipat lamang ng panibagong lugar. Ang isa naman niyang anak na lalaki ay pinaghinalaang maghihiganti. Sa kasamaang palad, may isang pagkakataon na hindi nito nadala ang kanyang sedula kung kaya't hinuli ito ng mga sibil. Pinahirapan din ito at ng hindi na makayanan ay kinitil nito ang sariling buhay.

Kung kaya para kay Kapitan Pablo, wala nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga anak. Lulusob sila sa bayan sa tamang oras, kasama ng iba pang mga kapus-palad na pinag-uusig ng pamahalaan. Lubos naman itong nauunawaan ni Elias, kaya't ang simpatya niya ay nasa matanda. Minsan na ring hinangad ni Elias ang paghihiganti, ngunit sa kagustuhang wala ng madamay pa sa kanyang paghihiganti, kinalimutan na lamang niya ito. Ayon kay Kapitan Pablo, madali itong gawin para kay Elias sapagkat magkaiba naman sila ng sinapit. Si Elias ay bata pa at walang namatay na mga anak. Pinangakuan naman niya si Elias na walang madadamay na inosente sa gagawin nilang paghihiganti.

Isinawalat din ni Elias kay Kapitan Pablo ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni Ibarra. Ikinuwento rin nito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping sinapit ng pamilya nito sa kamay ng pari. Sinabi nito kay Kapitan Pablo na makakatulong si Ibarra sa pagpapa-abot sa Heneral tungkol sa mga hinaing ng bayan. Sumang-ayon naman ang matanda at malalaman niya ang resulta ng pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra tungkol dito pagkatapos ng apat araw. Ang mga tauhan ng Kapitan Pablo ang kakatagpuin ni Elias upang maipag-bigay alam sa matanda ang sagot ni Ibarra. Kapag sumang-ayon si Ibarra, magkakaroon ng katarungan ang kanilang mga hinaing at kung hindi naman, nangako si Elias na sasama sa kanilang layunin.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 44 Kabanata 44 Pagsusuri ng Budhi
Narito ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 44 Pagsusuri ng Budhi

Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo ay walang binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang inaalagaan nni Tiya Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago naman ay walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Makalipas ang ilang araw, kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, kung kaya't hindi muna pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa.

Magkakaharap sina Padre Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at napag-usapan na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya naman ng kura na mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling.

Sinalungat naman ito ni Donya Victorina at sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni Don Tiburcio. Hindi naman siyempre nagpatalo ang pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa mga gamot. Napikon ang Donya at iminungkahi sa pari na gamuting ng kanyang kumpisal ang nakakabanas na si Donya Consolacion. Wala namang naisago ang Pari kung kaya't tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tyago na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang beatico upang lubusan itong gumaling.

Oras na para uminom ng gamot si Maria Clara at ininom nga nito ang pildoras na mula sa bumbong ng kristal. Ititigil lamang niya ang pag-inom nito kapag siya ay nakaramdam na ng pagkabingi. Nalaman ni Maria kay  Sinang na abala si Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging ekskomulgado nito kung kaya't hindi pa ito makasulat sa dalaga. Dumating naman si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra.

Nagsimula na ang pangungumpisal ni Maria Clara. Sa obserbasyon ni Tiya Isabel, Si Padre Salvi ay halatang hindi nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig kay Maria na tila ba inaalam ang nasa isip ng dalaga. Matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo, namumutla, pawisan at kagat-labi.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 43 Mga Balak o Panukala
Tunghayan ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 43 Mga Balak o Panukala:

Halatang halata ang lubos na pag-aalala sa mukha ni Padre Damaso at tuloy-tuloy itong pumasok sa silid ni Maria Clara. Nananangis ang Pari at sinabi sa anak na hindi ito mamamatay. Lahat ay nagtaka sa ipinakita ni Padre Damaso, hindi nila akalain na sa kabila ng magaspang nitong ugali ay marunong pala itong umiyak at malambot ang kalooban. Naisip din nila na mahal na mahal talaga ng pari si Maria. Pamaya-maya ay tumindig ang pari at nagtungo ito sa silong ng balag upang managhoy.

Nang naibsan ang damdamin ni Padre Damaso ay sinamantala ito ni Donya Victorin at ipinakilala si Linares. Sinabi ng huli na inaanak siya ni Carlicos, ang bayaw ni Damaso. Iniabot ni Linares ang sulat at dito ay nakasaad na siya ay humahanap ng mapapangasawa at trabaho. Madali lamang na matatanggap ang binata ayon kay Padre Damaso sapagkat ito ay naging abogado sa Universidad Central. At sa mapapangasawa ay iminungkahing kakausapin niya si Kapitan Tyago. Bagay naman na ikinalungkot ni Padre Salvi.

Sinadya naman ni Lucas si Padre Salvi upang isangguni ang marapat na katarungan para sa kanyang kapatid. Umarte itong kaawa-awa at pilit na pinapatulo ang luha upang mabaghan sa kanya ang pari. Sinabi nito na binigyan lamang siya ng P500.00 ni Ibarra kapalit ang buhay ng kanyang kapatid. Hindi naman ikinatuwa ng pari ang kaartehan ni Lucas kung kaya't pinagtabuyan niya iyon. Walang nagawa ang oportunistang si Lucas kung hindi bumulong bulong at napahiyang nilayasan ang pari.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 42 Ang Mag-asawang De Espadana
Narito ang maikling buod ng Kabanata 42 Ang Mag-asawang De Espadaña

Lahat ay hindi mapanatag at nalulungkot dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara. Tumawag na ng doktor si Kapitan Tyago at ngayon ay kasalukuyang pinagpipilian nila ni Tiya Isabel kung saan maglilimos: sa Krus ng Tunasan na himalang lumaki, o sa Krus na Matahong na nagpapawis. Sa bandang huli ay napagpasyahan ng dalawa na parehong lumisan ang mga ito upang gumaling kaagad si Maria Clara.

Dumating na ang doktor na si Tiburcio de Espadana at ang kanyang maybahay na si Victorina. Nagmiryenda muna ang mag-asawa bago tingnan ng 'doktor' ang kalagayan ni Maria. Kasama rin nila ang kamag-anak na si Linares na dumating pa mula sa Espanya.  Kasunod nilang dumating si Padre Salvi at ipinakilala ng mag-asawa si Linares, nag-aaral ng pagka-manananggol sa Espanya at pamangkin ni Don Tiburcio. (Dumating ito sa Pilipinas sa gastos na rin ni Donya Victorina.) Nabanggit ni Kapitan Tyago na kadadalaw lamang ng Kapitan Heneral sa kanilang tahanan. Lubos na nanghinayang ang ambisyosang ginang at nahiling na sana ay nuon pa nagkasakit si Maria Clara disin sana ay nakadaupang palad nila ang Heneral.

Hinanap naman ni Linares si Padre Damaso kay Padre Salvi, upang ibigay ang hatid niyang sulat mula sa Espanya.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pinuntahan nila si Maria na binabantayan ng mga kaibigan nito. Sinimulang eksaminin ng doktor si Maria at sinabing maysakit nga ito. Inirekomendang igamot kay Maria ang  liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Si Linares naman ay natulala at nabighani ng husto kay Maria, na ipinakilala naman ni Victorina sa dalaga. Tila nagising pa si Linares sa pagkatulala ng ibinalita ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso. Ang Pari ay hindi pa lubusang magaling ngunit inuna nitong gawin ang pagdalaw kay Maria Clara.

Ating ilarawan si Donya Victorina, na napagkakamalang isang Orofea at may gulang na 45. Ikinakaila nito ang tunay na edad, bagkus ay sinasabing siya ay 32 taong gulang lamang. Noong kabataan ng Donya ay masasabi rin na maganda ito ngunit pangarp na nito talagang makapangasawa ng isang mayamang dayuhan. Sa pamamagitan nito, siya ay mapapabilang sa alta-sosyedad at titingalain din ng karamihan. Sa kasamaang palad, napangasawa niya ay isang mahirap pa sa daga na Kastila, si Tiburcio. Sa edad nitong 35, higit pa itong matandang tingnan kaysa kay Donya Victorina. Ito ay isang maralita at mal-edukadong taga-Espanya na itinaboy ng kanyang mga kababayan sa Extremadura at naging palaboy, hanggang mapadpad siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora.

Sapagkat hindi naman sanay sa byahe, labis siyang nahilo at nahirapan sa kanyang paglalayag. Nabalian pa siya ng paa. Ika-15 araw na niya mula ng dumating sa Pilipinas ng siya ay natanggap sa trabaho dahil na rin sa mga kapwa Kastilang kanyang nakapalagayang-loob. Pinayuhan din siya ng mga ito na magpanggap na lamang na mediko sa mga nayon na ang tanging puhuhan ay ang kanyang pagiging Kastila. Dahil sa ala naman siyang alam sa anumang propesyon, at hindi naman din siya nakapag-aral, lakas loob na lamang siya na nagpanggap na doktor sa nayon. Ang totoo, dati lang siyang tagalinis at tagapagpa-baga ng mga painitan sa pagamutan ng San Carlos sa Espanya. Ngunit pagdating sa Pilipinas, naging ganap siyang isang doktor dahil na rin sa katangahan at tiwala ng mga Indiyo. Nagsimula sa mababang paniningil hanggang sa tumaas ng tumaas at naging kakompetensya pa niya ang mga totoong doktor. Nagalit ang mga ito at isinumbong sa Protomediko de Manila. Napilitan siyang tumigil sa panggagamot at nawalan na rin siya ng pasyente. Ngunit nakilala naman niya si Donya Victorina at sila ay nagpakasal.

Pagkatapos ng kasal, lumipat sila sa bayan ng Sta Ana upang idaos ang kanilang pulu't-gata, at upang duon na rin manirahan. Si Donya Victorina rin ang sumuporta sa kanyang asawa, ibinahay, binihisan at ibinili pa ng mga karwahe. Ang kanyang pangalan ay ginawang Victorina delos Reyes de Espanada. Binago na rin niya ang kanyang anyo upang maging mukhang taga-Europa. Kinulayan nito ang mukha at nagpalamuti sa katawan. Makalipas ang ilang buwan, siya kuno ay naglilihi at kailangan pa sa Espanya manganak upang hindi matawag na rebolusyunaryo ang kanyang anak. Ngunit walang panganganak na nangyari sapagkat ang Donya ay hindi naman talaga buntis. Lumapit na rin siya sa mga hilot at manggagamot ngunit walang nangyari. Kung kaya't walang nangyari sa ambisyon na makapunta sa Espanya ang ginang bagkus ay manatili sa tinubuang lupa, na kung tawagin niya ay "lupain ng mga salbahe". Wala rin siyang tiwala sa mga kapwa Pilipino kung kaya't humirang pa siya ng Kastilang taga-pangasiwa ng kanyang mga ari-arian.

Sa pagkabigo ng kanyang pangarap ay pinagbuntunan ng ginang ang kanyang asawa, na pumapayag naman maging andres de saya at taga-salo ng alburuto ng asawa. Mas mabuti na ang ganong kalagayan kaysa naman ang mamalimos sa kalye. Inuutus-utusan din niya ito at may mga pagkakataon na sinasaktan niya ito ng pisikal, na tinatanggap na lamang ng lalaki. Pati ang kapritso ng ginang na magpagawa ng karatulang marmol na may nakaukit na: DOCTOR DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES.  Walang nagawa ang lalaki kahit labag sa kalooban nito na ianunsyo sa publiko na siya nga ay isang manggagamot, sapagkat siya nga ay nagpapanggap lamang.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 41 Dalawang Panauhin
Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 41.

Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon. Balisa ito sa kaguluhang naganap kung kaya't nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo. Ilang sandali ay dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra.

Layunin ni Elias na ipagbigay-alam kay Ibarra na may sakit si Maria Clara, at kung may ipagbibilin ang binata bago siya pumunta sa Batangas. Ipinaliwanag din ni Elias kay Ibarra kung paano niya nasugpo ang kaguluhan ng nagdaang gabi. Sinabi nito na kilala niya ang magkapatid at napakiusapan niya na itigil ang kaguluhan. Napahinuhod naman ang magkapatid na gwardya sibil dahil sa kanilang utang na loob kay Elias. Umalis na rin si Elias makalipas ang ilang sandali.

Nagmamadali naman na gumayak si Ibarra upang tumungo sa bahay ni Kapitan Tyago. Sa daan ay nasalubong ni Ibarra ang kapatid ng taong dilaw na si Lucas. Kinulit nito si Ibarra tungkol sa salapi na makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinagot ito ng maayos ni Ibarra na magbalik na lamang sa isang araw sapagkat siya ay patungo sa maysakit. Ngunit sadyang mapilit si Lucas at kinukulit si Ibarra. Bago pa man mawala ang pagtitimpi ng huli ay tumalikod na lamang ito. Naiwan si Lucas na nagpupuyos ang kalooban, at sa kanyang isipan ay iisa ang dugong nananalaytay sa ugat ni Ibarra at ang lolo nito na nagparusa sa kanilang ama. Maari lamang silang maging magkaibigan kung magkakasundo sila sa salaping ibabayad ni Ibarra.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 40 Ang Karapatan at Lakas
Maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 40. Paglalarawan sa nagtutunggaliang pwersa sa bayan noong panahon ni Jose Rizal. Ang mga karapatan ay nababalewala sa kapritso ng mga may kapangyarihan na walang iba kundi sa pangunguna ng mga prayle, at pumapangalawa naman ang mga gwardya sibil.

Buod.

Bandang ika-sampu ng gabi sinimulang sindihan ang mga kuwitis na hudyat ng pagsisimula ng dula. Pinangasiwaan ni Don Filipo ang gabi ng pista. Ng mga oras na iyon ay magkausap ang tinyente at si Pilosopo Tasyo tungkol sa pag-ayaw ng Don sa kanyang tungkulin. Masama ang loob ng tinyente na hindi tinanggap ng Kapitan ang kanyang pagbibitiw.

Nagsidatingan na ang mga malalaking tao sa bayan kung kaya't nagsimula na ang palabas na pinangunahan nina Chananay at Marianito ng ‘Crispino dela Comare’. Lahat ay nakatuon ang pansin sa dula samantalang si Padre Salvi ay lantaran ang pagkakatitig kay Maria Clara. Sinisimulan na ang ikalawang bahagi ng dula nang dumating si Ibarra. Nakatawag pansin ito sa mga pari at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Tinutulan naman ito ni Don Filipo sapagkat malaki ang abuloy ni Ibarra at higit siyang takot na suwayin ang utos ng Kapitan Heneral kaysa sa utos nila. Sa inis ay umalis ang mga pari sa kalagitnaan ng dula.

Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin si Ibarra sa mga kadalagahan lalo na kay Maria Clara upang paroonann ang nalimutang tipanan.  Nangako siya na babalik bago matapos ang dula.

Sa kalagitnaan ng dula ay may lumapit na dalawang gwardya sibil kay Don Filipo at iniuutos na itigil ang dula dahil nabubulahaw sa pagtulog sina Donya Consolacion at alperes. Hindi ito mapagbigyan ni Don Filipo kung kaya't nagkaroon ng gulo. Nang pagtangkaang patigilin ang mga musikero, hinuli ng mga kuwadrilyero sa tribunal ang dalawang gwardiya sibil. Nagkataon na nakabalik na rin si Ibarra sa mga sandaling iyon at hinanap kaagad si Maria. Kumapit naman kaagad ang sindak na dalaga sa mga bisig ni Ibarra habang si Tiya Isabel ay naglitanya ng panalangin. Sa galit ng mga kalalakihan doon ay pinagbabato nila ang mga gwardya sibil na huminahon lamang sa pakiusap ni Elias, na inabisuhan naman ni Ibarra sapagkat wala silang magagawa ni Don Filipo sa bagay na iyon.

Ang pangyayari ay hindi nakaligtas sa pagmamanman ni Padre Salvi at ibinalita rin ito ng kanyang tauhan. Sa kanyang pangitain ay nawalan ng malay tao si Maria at si Ibarra ang kumarga sa dalaga. Sa ganoong pangitain ay nagmistula itong baliw at nagtatakbo papunta sa bahay ni Kapitan Tyago upang makasiguro na hindi totoo ang kanyang takot. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita niya ang anino nina Maria Clara at Tiya Isabel mula sa labas ng bahay ng Kapitan. Umuwi na ito ng masigurong hindi kasama ng dalaga si Ibarra.

Para sa iba pang maikling buod ng Noli Me Tangere:

Sinundang kabanata:

Maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 29

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 22 – Liwanag at Dilim
Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 22

Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap.

Plano ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan.

Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga. Inimbitahan ni Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng kura.

Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.

Para sa iba pang maikling buod ng Noli Me Tangere:

Susunod na kabanata:

Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 23

Sinundang kabanata:

Maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 21