Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan

Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan.

Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon.

Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan.

Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor.

Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha.

Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

******
Para sa susunod na kabanata, Kabanata XII - Araw ng mga Patay

******
Balikan ang buod ng Noli Me Tangere Kabanata X

Comments (30) Trackbacks (0)
  1. NABAGOHAN LANG AKO S_ _ _ _! PALAGI AKONG CHAT

  2. napadali report ko hehehehehhehehehehe :D

  3. this is helping me .,thanks a lot ;D

  4. wala bang guide question ????

  5. wow ah … ahm, nice din .. hehehe]

  6. salamat naka papirma na ako ng cleasrans

  7. Grabe natulong sakin ng website na ito sa projct ko sa filipino. Sa gumawa nitong site na ito “YOUR THE MAN!”

  8. SALAMAT PO NG MARAMI. NATULUNGAN NYO AKO SA AKING PROJECT SA PILIPINO

  9. bakit halos parehas ito sa buod ng kabanata 12

  10. the best!!!!!!!!!!!!!!….
    thanks poh sa info nio…

    its so helpful………2 me.. and to everyone!!!!!!!!!1

  11. anu ba yan ! wla man lang mga larawan

  12. tnx for this, sobrang nakatulong to sa homework at napadali ang pag-outline ko

  13. thank u po.. im 3rd yr HS.. at kailangan ko tlga ng ganito.. kc pinabubuod smin ung kabanata 1-30 :P … ang hirap..

  14. its really helps me !

  15. nice namn ahhh …naka create nq ass.ko
    :D


Leave a comment

Trackbacks are disabled.