Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Kabanata 12: Araw ng mga Patay

Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuna sa isang malawak na palayan at nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan. Makipot ang daan patungo sa sementeryo, maputik kapag tag-ulan at maalikabok naman kung tag-araw.

Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay batikang sepulturero at ang kanyang katulong ay bago at hindi mapakali sa kanilang ginagawa. Hindi nito maitago ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at paghitit ng sigarilyo.

Sinaway ng batikang sepulturero ang kanyang kasama sa pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang paghuhukay hanggang sa maiahon ang bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang hinuhukay, sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng mamatay. Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang nila na itapong ito sa lawa.

Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan.

Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon.

Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan.

Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor.

Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha.

Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

******
Para sa buod ng susunod na kabanata, Kabanata XIII - Mga Babala ng Bagyo

******
Balikan ang buod ng Noli Me Tangere Kabanata XI

Comments (38) Trackbacks (0)
  1. salamat po dahil dito naging matagumpay ang aming presentasyon

  2. Yung unang tatlong Paragraph lang ung sa KABANATA 12,
    at yung ibang paragraph ay sa KABANATA 11

  3. hai naku ,,salamat po sa paggawa nio nito ,,,,laking tulog huhhhhhhhh

    muuuuuaaaaauauaaaaaauuuuuuuuuuuuuuuuuuaaaaaaaaaaahhhhhhhhh

  4. tnx sa lhat ng buod ng kabanata 1-24 may assignment n akohhhhhhh tnx a lot tlaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!khit pareho ung kabanata 11 and 12.k lng bsta my assignment!!!!!

  5. buod ni o dli?

  6. parang naulit ito oh…
    “Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.”

    Dba nasa KABANATA 11 din yan??? hahahha!!! need lang po kasi ..

  7. thanks sa pag post nito dhil marami pang tao ang mas nakakaunawa sa kasulatan na ito thanks….

  8. hi thankyou po ha? laking tulong neto. mwa!

  9. “matatagpuna”
    Read more about Buod ng Kabanata 12: Araw ng mga Patay « Noli Me Tangere on:
    http://noli-me-tangere.com/kabanata-12-araw-ng-mga-patay/#comment-2358?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&

    khit mali po spelling nung isa . XD

  10. thank you , nkatulong skin to !:)

  11. bakit mag kapareho ang kabanata 11 at kabanata 12? sa huli?

  12. oo nga . hirap kasi . mag taType pakoh . saYang nakakatuLong saNa ng maLaki . ^_^

  13. = bqt same lnq eung kabanata 11 and12???

    • KABANATA 12: Araw ng mga Patay

      Madilim ang kalangitan. Sa isang malawak na bukirin nakalibing ang mga patay ng mga tao. Ito ay parehong taniman at libingan. May pader na nakapalibot at marami-raming puno ng kawayan. Sa gitna ay may isang malaking krus na may nakaukit nia INRI. Kung saan saan makakakita ng mga puntod sa lugar na iyon.

      May dalawang lalaki na makikita sa sementeryo. Ang isa ay tumatagaktak ang pawis, habang ang isa ay naghuhukay sa lupa. Ang unang lalaki ay nabanggit na palatanong tulad ng isang Kastilang sibil. Ang ikalawa ang sepultulero na naghuhukay ng mga bangkay upang may paglagyan ang mga bagong patay. Ang unang lalaki ay sinabing tumigil sa paghuhukay dahil sa bawat hukay niya ay may mahahanap na dumurugong bangkay. Pare-pareho ang amoy at minsan nakakasukang tingnan. Nagkuwento ang sepultulerona siya naman daw ay nakapaghukay ng bangkay na wala pang 20 araw naililibing. Iniutos daw ng kurang malaki na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. Habang hinukay daw ay baha kaya naman lumabas ang kalahati ng katawan mula sa ataul. Hindi na nailipat sa libingan ng mga Intsik dahil malakas ang ulan at mabigat ito, kaya ipinaanod nalang ito sa ilog.

      Parami na ng parami ang mga taong pumupunta sa sementeryo. Makikitang may nag-aagawang dalawang pamilya sa isang puntod. Ang iba ay naghahanap ng kanilang patay. At kung hindi mahanap ay luluhod nalang kung saan at magdarasal. Patuloy ang pagdami ng mga taong dumarayo, kabilang na si Crisostomo Ibarra.

  14. nice web-site sir ^_^ verry helpful for me, i hope helpful
    din sa iba … keep it up!!

  15. ty po sa mga buod!

  16. Bakit ganun? Yung lower part, Kabanata 11?

  17. ang haba buod ba to
    ??

  18. ok na copy ko na

  19. SAN UNG MGA TAUHAN SA BAWAT KABANATA

  20. ..this is helpful….
    but, where can i find the character list of Kabanata 12 and so on?

  21. bakit ayaw na ninyo magpacopy

  22. thanks ng sobra sa gumawa nito.. sobrang nakakatulong.. mwuuahh:)

  23. I never thought of it that way, well put!


Leave a comment

Trackbacks are disabled.