Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Kabanata 14: Si Tasyo, ang Baliw o ang Pilosopo

Nang araw na iyon ay dumalaw din sa libingan si Pilosopo Tasyo upang hanapin ang puntod ng kanyang asawa.

Si Don Anastacio ay kilala sa bansag na Pilosopo Tasyo, kilala ng lahat ng tao sa San Diego sa kakaiba nitong personalidad. Lagi itong laman ng lansangan at lakad ng lakad. Marami rin itong sinasabing pananaw tungkol sa pulitika at lipunan, bagay na hindi nauunawaan ng karamihan kayat tinawag nila itong baliw. Matalino ang matanda at matalinghaga kung manalita. Galing siya sa isang mayamang pamilya at nag-aral ito sa unibersidad ng San Jose. Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral sa paniniwalang ang katalinuhan nito ang magiging dahilan upang makalimutan ang Diyos. Minarapat din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang binata, bagay ni sinuway naman ng Pilosopo at bagkus ay nag-asawa na lamang. Pagkalipas ng isang taon ay nabiyudo ang Pilosopo at sa halip na mag-asawang muli ay inilaan na lamang sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan na nito ang minanang kabuhayan mula sa kanyang ina.

Kapansin pansin ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo sa kabila ng papadating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan. Matalinghaga rin ang kanyang sagot sa mga taong nagtataka sa kanyang reaksyon, na ang bayo ang siyang lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis sa sanlibutan. Suhestyon din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat imbes na mga paputok at kwitis. Hindi rin nito sinang-ayunan ang pagpapatugtog ng mga batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog. Pinagtawanan naman siya ng bawat makarinig. Tumuloy naman ang Pilosopo sa simbahan at doon ay naabutan niya ang dalawang bata at sinabihan niya ito na kung maari ay umuwi sila sa kanilang ina dahil ang huli ay naghanda ng isang espesyal na hapunan. Bagay na bagamat natuwa ang mga bata ay tumanggi ang mga ito dahil na rin sa tungkulin sa simbahan.

Patuloy na naglakad lakad si Tasyo hanggang sa makarating sa bahay ni Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila ang pagdating ni Ibarra sa bayan at nabanggit ng Pilosopo na naramdaman niya ang paghihinagpis ni Ibarra ng malaman ang sinapit ng kanyang ama. Sinabi rin nito na isa siya sa anim na taong nakipaglibing sa ama nito. Napadako ang kanilang usapan patungkol sa purgatoryo, isang bagay na hindi pinaniniwalaan ng Pilosopo at pinaniniwalaan naman ng marami. Hindi man siya naniniwala dito ay nirerespeto naman niya ang pananaw ng relihiyon na ito ay gabay upang ang tao ay mabuhay ng malinis.

Kalaunan ay nagpaalam na ang matanda at masiglang masiglang lumakad palayo sa gitna ng matatalim na kidlat at dumadagundong na kulog.

******
Para sa buod ng susunod na kabanata, Kabanata XV- Ang Mga Sakristan

******
Balikan ang buod ng Noli Me Tangere Kabanata XIII

Comments (30) Trackbacks (0)
  1. anu po ba ung spitual emphasis sa kwento?

  2. maraming xalamat xa gumawa nito.. papasa na ako xa pilipino…. thanx ^_^

  3. ano ung nga tagpuan,talasalitaan,tauhan, at layunin ng kabanata?

  4. ikaw lang ang nag buod ng mga kabanata dito? i’m impressed!

  5. tnx a lot poh! nagamit q tlaga xa pra s aking report…….God bless!

  6. maraming salamat sa noli-me-tangere dahil nakakatulong ang website na to…….

  7. MARAMING SALAMAT DAHIL MALAKING TULONG ITO SAMING MGA ISTUDYANTe………………………………..

  8. Thanks for this

  9. buti nlang meron gantong site..
    nkakatulong sa mga ass. nmen!!

  10. gawa rin po kau ng ingles ng noli lahat po

    at espanyol ng noli lahat rin po

    kac un ang project namin

    thnks po ulit sa inyo

    super super super salamat !!!!!

  11. thnks sa inu na gumawa rito

  12. maganda sa wakas nakita ko na rin

  13. ganda naman nito :”> galing!


Leave a comment

Trackbacks are disabled.