Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Kabanata 3: Ang Hapunan

Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at nararamdaman ang mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya. Si Padre Sibyla ay nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog at nataamaan tuloy ang isang kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay na nakapag-painis sa Donya. Ang ibang bisita naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri sa masarap na handa ng Kapitan.

Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa kabisera. Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura sa lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente, na tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago ngunit magalang itong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra.

Kasabay ng kainan ang mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pag-aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang binata.

Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa. Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong matutunan; at ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi. Magalang naman na tinanggap ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga ala-ala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng kanyang ama. Hindi naman nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa pagitan nila ng ama ni Ibarra.

Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila nagkita ni Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng pag-alipusta si Padre Damaso sa binata. Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng Estudios Coloniales ang kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon.

 

******
Gabay sa pag-aaral ng Noli Me Tangere Kabanata III
******
Para sa susunod na kabanata, Kabanata IV - Erehe at Pilibustero

******
Balikan ang buod ng Noli Me Tangere Kabanata II

Comments (71) Trackbacks (0)
  1. maraming maraming salamat sa gumawa nitong boud !!!! :D

  2. Ano po ba ang aral na makukuha rito??

  3. Maraming Maraming Salamat rito… Nakatulog talaga ng malaki sobra…. May tiwala ako sa gumawa nito.. ^_^

  4. oma goh lupet pala nito i understand na this story yahooooooooooooooo

  5. marmarmaraming salamat d2 nakapagreport ako ng maayos..

  6. salamat po dito xD
    tanong lng po
    ano po mensahe ng kabanata 3 mga kuya?/ ATE?

  7. “ano po simbolismo nung leeg na sa tinola?”

  8. Hindi po ba na si Laruja ang nagpahayag ng Estudios Coloniales? o.O

  9. bakit tila ata naiba ang pagsulat ng mga salita ang mga kabataan ngayon? ano ang nangyari? ganon na ba ako katagal natulog at iba na ang takbo ng pilipinas?

  10. salamat sa lahat ng mga sagot

  11. tnx.. I owe this site a lot..! ^_^

  12. ano po ang simbolo d2 ?

    • Si Ibarra ay ang sumisimbolo kai Dr. Jose Rizal,
      Si Maria ang sumisimbolo sa Pilipinas,
      At si Padre Damaso, ang sumisimbolo sa mga Espanyol…

  13. Sa akin pong pagkakaalam, ang “lalaking mapula ang buhok” ang nagsulat sa pahayagan tungkol sa mga pangyayari. :)

  14. Buod @_@
    sana si ma’am Caballero nalang nag bubuod para suuuuupppeeeeer ikli ng buod :D

  15. thank you po kung sino gumawa nito.. dahil kasi dito nakapag report ako ng maayos sa teacher ko…

    thanks a lot.. GODBLESS! :)

  16. oo nga eh nandito na lahat ng sakto na lesson galing noh

  17. magang nagpaalam si ibarra upang maiwasan ang namumuong tensyon nila ni padre damaso

  18. hindi po ako sigrado kung si ibarra talga ang nagsulat ng mga pangyayari sa isang paayagan sa kabanatang ito.

  19. sino si ginoong laruja?

  20. wala po kayong hanggang kabanata 64?
    kung wala po ty po kahit d po kumpleto nakatulong sa project ko po itong site na po ito :)

  21. ahm… bkit ndi ko ma copy … andito lahat ng sagot ayw namn mgpacopy!!!!

  22. wow malaking tulong tong site na to sa mga estudiante na nag aaral ng NOLI XD!!
    maraming salamat sa gumawa may Home work na ko XD!! n_n LAMAT ULI!!

  23. salamat po sa inyo dahil nakita ko po ang aming sinasadya para sa aming reporting :D

  24. wow nandito lahat ang mga buod na hinhanap ko

  25. k lang

  26. .. LAKing tulong tlaqa !! :-)

  27. Very helpful. Thanks a lot :)

  28. ang laking tulong . I SWEAR !
    slamat po :) )
    may other help this blog :) )

  29. Buti nalang may ganto.. :) pero ang haba grabe hirap isuLat HAHA

  30. ahmmmm,,,,,dko na kaylangan pang mag buod,,,,,,hehehe
    print q na lng,,,

  31. ahmmmm,,,,,dko na kaylangan pang mag buod,,,,,,hehehe
    print q na lng,,,
    .
    XD

  32. wow… tnx ng marami

  33. kailanagan ko to kac nand2 lahat nang lesson namin

  34. andaming na22nan rto sobra

  35. nagsusulat ako mula kabanata 1-5

  36. tnx a lot!!!!!

  37. wow….galing nman po nito npaka-helpful po nito sa aming studies at para sa aming mga report maraming salamat po…..

  38. amazing ! .,
    :-)
    it helps me a lot ..

  39. Maraming salamat! Exam namin bukas, tapos baka ipasulat sa amin ang buod .

    God bless.

  40. hi po thanks sa mga info sana po sa bawat tanong meron din po kaung mga sagot sa inyong tanong ! and sana po mag add pa kayo ng karagdagang impormasyon tulad ng mga sumusunod :

    Tagpuan kada kabanata
    Talasalitaan kada Kabanata
    Mga Tanong / Sagot Bawat Kabanata
    at Simbolismo (larawan) simbolismo ng isang kabanata
    paliwanag sa bawat kabanata
    reakson sa bawat kabanata
    at ang mensahe :)

    sana mo maidagdag nyo maraming salamat po. malaking tulong ito sa aming pag aaral lalo nat nakakatamad mag basa sa libro

  41. Sino po ung tinutukoy na aayaw pero gusto??

  42. Nice story.. This website about noli me tangere could help the student like me..

  43. ..tanong lng po ??.. san nyo po nkuha ang buod na ito ??..

  44. nice tlga may maipass nrin ako on monday..

  45. thumbs up!

  46. woah nandito lhat ng eksaktong ni lesson namn pamilyar yung bawat salita

  47. wow.. ang ganda naman, may website na ng noli me tangere, nkakatulong tlga ito sa pag-aaral ng mga estudyanteng gaya ko..


Leave a comment

Trackbacks are disabled.