Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Kabanata 8: Mga Alaala

Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila. Maganda ang panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng kanyang mga alaala.

Ang kanyang namamasdan ay katulad pa rin ng dati na kanya nang nakita: mga kalesa at karumatang walang humpay sa pagbibyahe, salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal at kanya-kanyang gawain: may mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking kargador, ang iba ay kababaihan na nagtitinda ng prutas. Nanduon din ang mga tindahan at mga hayop na kasama sa paghahanapbuhay. Ang punong Talisay sa San Gabriel ay walang pinagbago, ang Escolta naman ay imbes na umunlad ay pumangit at walang kaayusan. Ang mga karwahe ay nagmamadaling ihatid ang mga kawani sa tanggapan at mga pari, kabilang na si Padre Damaso. Namataan naman siya ni Kapitan Tinong kung kayat binati siya nito.

Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at naalala na minsan ay nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako. Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko at naikumpara niya ang mga napuntahan niyang hardin sa Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon. Anupat ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon. Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong pari: 1) Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon 3) dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan- kung ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.

******
Gabay sa pag-aaral ng Noli Me Tangere Kabanata VIII
******
Para sa susunod na buod ng kabanata, Kabanata IX - Mga Suliranin Tungkol sa Bayan

******
Balikan ang buod ng Noli Me Tangere Kabanata VII

Comments (32) Trackbacks (0)
  1. ThankYou Poo :) :) :*

  2. Thank u zo much….

  3. puchu puchu na tayo!!! :) )))

  4. salamat po

  5. NICE ANI MAKA JAMING MAKUHA JUD

  6. tsamat adyu!!!!!!!!!yes yes yowwwww!!!!!naa na jud koy report sa filipino

  7. tslamat!!!!!!!!!!!

  8. paano inihambing ni Ibarra ang europa sa pilipinas?

    • halimbawa nalang ng “harding botaniko” dito sa Pilipinas ganon parin at walang pinagbago. Sa Europa ang “Harding Botaniko” paunlad ng paunlad!

  9. Maraming Salamat kung sinoman ang gumawa ng kabanatang ito, taos puso kong binibigyang puri ang gumawa nito.

  10. Perfect summary! Thanks for this! It helps me a lot!

  11. Salamat po :D

  12. ANO PO YUNG INIUTOS NI PADRE DAMASO KAY KAPITAN TIYAGAO ?

  13. Thank you for the precise and simple short summary of Noli Me Tangere.

  14. nakakatulong to sobra lalo na sa mga mag aaral na katulad ko

  15. lupetttttttttttttttttttttttt!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

  16. Salamat po…

  17. eh bakit naman si ibara ay nakasakay sa kalesa..saan ba siya galing


Leave a comment

Trackbacks are disabled.