Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 20 – Ang Pulong sa Tribunal

Posted on May 11, 2011

Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na iyon sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo.

Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang pulong na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael. Sinalungat naman ito ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo. Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong kasiya siya ang pista. Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi.

Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na nagsabing marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapay ay wala na ring paputok at ang mga gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga San Diego. Ang sentro din ng pagtatanghal ay dapat mga sariling ugaling Pilipino.

Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.

Comments (19) Trackbacks (0)
  1. Salamat po nakatulong po kau sa report ko :D thanky thanks

  2. Nice work guys

  3. tnx po sa pgpost ng buod sa kabanata 20

  4. mas lalo ko pang naintindihan nong binasa ko ito… salamat!

  5. thank you very much! for those people na laging nagpo post ng katulad nito natulungan nya talaga ako!and kayo din ang dahilan why our work made more easier…………………..

  6. thanks po! hopefully na ipagpatuloy nyo po ang pagtulong sa mga katulad namin! malaking bagay ito para sa amin kaya thanks!!

  7. Mali yata ang impormasyon na nakalagay dito, nasaan ang payo ni tasyo kay don filipo? Hindi ko rin masyadong nagets ang nakalagay dito. Hindi nyo na ba ito iuupdate?

  8. Maraming salamat sa buod na ito. Mas naiintindihan ko pa ito kaysa sa guro kong si Binibining Myca.

  9. Walang pong bang gabay sa pag-aaral at mga tauhan .? Ask lng po

  10. maraming salamat nkatulong ito ng marami sa report ko !

  11. salamat sa sa pagpopost netong buod ng kabanata 20 thank u very much

  12. bayan ang dami ulit………..hai naku
    ]

  13. *sOlOmOT soA bUod

  14. hindi ko po lubos maintindihan…

  15. thank u po sa post ng mga kabanata ng noli me tangere because nakatulong ito sa akin ng malaki para makapasa ako ng aking output…do more like this…because this is very useful….


Leave a comment

No trackbacks yet.