Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Pag-aaral sa Noli Me Tangere Kabanata I

Posted on March 16, 2011

Ang bahaging ito ay inilalaan bilang gabay sa pag-aaral ng unang kabanata ng Noli Me Tangere, Ang Pagtitipon. Layunin din dito na makilala ang mga tauhan sa kabanata, makapagbigay ng talakayan at kuro-kuro patungkol sa mga pangyayaring naganap sa unang kabanata, at maihambing ito sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

Ang salaysay ng buod ng Noli Me Tangere, Kabanata I ay matatagpuan sa Ang Pagtitipon.

MGA TAUHAN:

  • Don Santiago delos Santos - kilala sa tawag na Kapitan Tiago, ang nakagisnang ama ni Maria Clara at pinakamayaman sa Bayan ng Binondo
  • Tiya Isabel - ang kapatid ng ina ni Maria Clara na siyang nagpalaki sa dalaga
  • Tinyente Guevarra - isang matapat at may konsensyang tinyente ng guwardia sibil. Malaki ang simpatiya nito kay Ibarra at ang tanging nagtapat kay Ibarra sa sinapit ng kanyang ama.
  • Padre Hernando de la Sibyla - paring Dominikano na pino ngunit pailalim kung kumilos kumpara kay Padre Damaso. Lihim itong nagkaka-interes kay Maria Clara at may karnal na pananaw sa mga kababaihan
  • Padre Damaso Verdolagas - ang magaslaw at walang pakundangang paring Pransiskano na siyang may matinding galit at inggit sa pamilya ni Ibarra. Mahayap itong manalita at mataas ang tingin sa sarili.
  • Dr. Don Tiburcio de Espadaña - ang mahirap, pilay at bungal na Kastilang nagpapanggap na doktor sa bayan ng San Diego at ipinagmamalaki ang kahabaan ng kanyang buong pangalan. Napangasawa nito ang Pilipinang si Donya Victorina
  • Donya Victorina de Espadaña - ang maykayang asawa ni Dr. de Espandaña na tampulan ng katatawanan sa pagsisikap nitong maging Kastila na kinabibilangan ng tinitingala sa lipunan dahil sa pagiging Kastila. Panay ang kolorete nito sa mukha at pagpapakulot ng buhok upang makiuso.
  • Dalawang Paisano - mga alalay ng pari
  • Mga panauhing kabilang sa mataas na antas ng lipunan - kabilang dito ang malalapit na kaibigan ni Kapitan Tyago at may mga kabuhayan din na katulad niya

MGA GABAY NA KATANUNGAN:

      Ano ang mapapansin tungkol sa pagpapahalaga sa oras ng mga panauhin ni Kapitan Tiago? Nangyayari pa ba ito sa panahon ngayon?
      Kung ikaw ay isa sa mga panauhin, ano ang gagawin mo kung maririnig mo na ang isang kapwa mo panauhin ay nilalait ang lahing Pilipino?
      Mayroon ba o walang dapat baguhin sa uri ng paghahanda sa panahong ito?
Comments (32) Trackbacks (0)
  1. Pwede bang i copy paste ito?
    Ayaw eh

  2. Laking tulong! Salamat po :)

  3. pwd po bang macopy pasate cu ito ???

  4. TY D2 MALAKING TULONG TO! :) ))))

  5. nice ! thank you very much for this wonderful site . . it help much to all students not also student also who want to know this.
    thank you again because my report is tomorrow it help me much and im so grateful to get this copy . . :D
    keep up the good work . :D ^_^

    god bless us always !

  6. thank you! malaki po ung tulong nito para sa exam namin at presentation sa bawat kabanata ng noli…God bless po!

  7. Thankk You Po ,, Dhil Sa Site Nah Toh Meron Nah Akong Report Bukas .. Dahil Dyan Iiinform Koh Yung Mga Kaklase Koh Nah Tangkilikin Toh .. :) )

  8. Maraming salamat po!! salamat po talaga!! the best ang website na ito……….

  9. thank you so much for this.. agreat help indeed!

  10. Maraming maraming salamat po ^^ ngayon mas maiintindihan ko na po yung Noli.. :D God Bless

  11. mYy gOd ! it heLps me !!!

    eNcHuu veRy mUcH :)

  12. Woooow! thank you po ! It really helps. Lovelovelove :) )

  13. Praise the Lord. Maraming salamat. :D

  14. Thanks a Lot ! nakatulong talaga sya !! … ang ganda ng Blog na to .. … sigurado High school students will thank kung sino man gumaw nito !! :D THANKS !!! ULET ~!

  15. ate kulang pa mga pinka mahahalagang pangyayari sa noli me tangere

  16. Oh. Em. Gee. Thank you so much for this wonderful site. You should definitely know that you are helping, if not many, then tons of people, whether they may be students or teachers, or just plain bookworms and such.

    I am so grateful right now. Thank you. Thank you. Thank you so much. I pray God will bless you always. :D D

    Good job!

  17. sana nman may sagot sa mga gabay na tanong para hindi kmi mahirapan sa pag hahanap ng sagot..!!!jejejejjejj pero at least……GREAT pa din ..!!!

  18. THNks talaga sa web site na to!!

  19. Praise God! May mga taong ginagamit ang kanilang talino sa paggawa ng ganitong site…malaking tulong sa aming mga mag-aaral ang site na ito lalo na ngayong ang mga mag-aaral ay wala nang hilig magbasa ng mga pahina ng nobela… God bless

    • Hello Alfredo! Natutuwa naman ako sa comment mo. Paki-announce ang site na ito sa iyong facebook or pakisabi rin sa mga kaklase m. :) Maraming salamat sa pagtangkilik.

      • pwedi po bang mag tanong anu po ang dapat kong e type na website pag gusto kong mag basa ng mga buod ng noli me tangere . . .


Leave a comment

No trackbacks yet.