Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Pag-aaral sa Noli Me Tangere Kabanata III

Posted on March 16, 2011

Ang ikatlong kabanata ng Noli Me Tangere ay patungkol sa mga pangyayaring naganap sa oras ng hapunan. Ang salaysay ng buod ng Noli Me Tangere, Ang Hapunan ay matatagpuan sa Kabanata 3.

Inilalahad sa pahinang ito ang mga tauhan sa kabanata at mga gabay na katanungan.

MGA TAUHAN:

  • Crisostomo Ibarra - tampok na panauhin ni Kapitan Tiago at para sa kanyang pagdating ang inihandang hapunan
  • Padre Damaso - inakalang siya pa rin ang pinaka-importanteng panauhin sa handaang iyon at mapagkunwaring inialok ang kabisera ng upuan kay Padre Sibyla. Nagpakita siya ng hindi mabuting asal sa harap ng mga panauhin lalong lalo na kay Ibarra. Nagngitngit ito lalo sa galit ng mapunta sa kanya ang mga pangit na parte ng tinola
  • Padre Sibyla - nasisiyahan sa okasyon at tagasaway ni Padre Damaso kapag hindi nito mapigilan ang kagaspangan ng ugali
  • Tinyente Guevarra - hindi mapigilang magmasid sa kulot na buhok ni Donya Victorina.
  • Donya Victorina de EspadaƱa - Inis na inis sa Tinyente ng matapakan nito ang kola ng kanyang saya.
  • Maria Clara - dumating din ng gabingi iyon si Maria Clara mula as kumbento. Ang kanyang pagdating ay kinahanga ng lahat dahil sa angkin niyang kagandahan

MGA GABAY SA PAG-AARAL:

      Ano ang iyong opinyon sa pagpapahalaga ni Ibarra sa karunungan at edukasyon?
      Makatwiran ba ang kanyang mga isinalaysay na paghahambing tungkol sa pag-unlad ng Europa at sa kanyang bayang tinubuan?
      May katotohanan pa ba sa panahon ngayon ang mga sinabi ni Ibarra tungkol sa kalagayan ng Europa at ng kanyang bayan? Magbigay ng halimbawa.
Comments (5) Trackbacks (0)
  1. nakatulong siya sa akin:) report ko yung kabanata 3 at 4 eh.

  2. tpoz wla rn po ung kaisipang libertanyalismo

  3. bkt pUh wLaq ung abUso ng mga prayLe ?

  4. ito ay tama!!!!!!!!!!!


Leave a comment

No trackbacks yet.