Noli Me Tangere Buod ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 40 Ang Karapatan at Lakas

Posted on August 2, 2011

Maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 40. Paglalarawan sa nagtutunggaliang pwersa sa bayan noong panahon ni Jose Rizal. Ang mga karapatan ay nababalewala sa kapritso ng mga may kapangyarihan na walang iba kundi sa pangunguna ng mga prayle, at pumapangalawa naman ang mga gwardya sibil.

Buod.

Bandang ika-sampu ng gabi sinimulang sindihan ang mga kuwitis na hudyat ng pagsisimula ng dula. Pinangasiwaan ni Don Filipo ang gabi ng pista. Ng mga oras na iyon ay magkausap ang tinyente at si Pilosopo Tasyo tungkol sa pag-ayaw ng Don sa kanyang tungkulin. Masama ang loob ng tinyente na hindi tinanggap ng Kapitan ang kanyang pagbibitiw.

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 22 – Liwanag at Dilim

Posted on July 31, 2011

Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 22

Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap.

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 23 – Ang Piknik

Posted on July 29, 2011

Maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 23

Madaling araw pa lamang ay masigla ng nagsisigayakan ang mga kababaihan at kabinataan para sa kasiyahan sa araw na iyon. Magkakasamang naglalakad ang mga kababaihan, hiwalay sa kalalakihan. Kasama rin sa piknik na iyon ang mga kawaksi at matatandang babae. Sasakay sila sa dalawang bangka habang mangingisda sa ilog.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 39 – Si Donya Consolacion

Posted on July 27, 2011

Maikling buod ng noli me tangere kabanata 39. Ang kabanatang ito ng Noli me Tangere ay inilaan sa paglalarawan kay Donya Consolacion. Sinisimbulo ng kanyang personalidad ang mentalidad ng mga Pilipinong walang pagmamahal sa sariling kultura kung kayat binibihisan ang kanilang mga sarili ng ugaling dayuhan.

Buod

Si Donya Consolacion ay asawa ng alperes at nagpipilit maging mukhang taga-Europa sa pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas din ang pagtingin nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan kaninuman, kahit pa kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolacion ay dating labandera na nakapag-asawa ng isang kawal na naging alperes ngayon. Salat din siya sa edukasyon na mababakas sa kanyang pag-uugali.

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 38 – Ang Prusisyon

Posted on July 25, 2011

Maikling buod ng Noli Me Tangere kabanata 38. Ang mga kaganapan ay nakasentro sa idaraos na prusisyon at mga nakatakdang gawain ng Heneral ng araw na iyon.

Buod

Ang mga paputok at sunod-sunod na pagtunog ng mga kampana ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Lahat ng nakiisa ay may dala-dalang mga kandila at parol. Ang prusisyon na iyon ay ukol sa mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 37 – Ang Kapitan Heneral

Posted on July 23, 2011

Maikling buod ng Noli me tangere kabanata 37. Ipinapakita sa kabanatang ito ng Noli Me Tangere ang makataong pamumuno ng Kapitan Heneral, na siyang may pinakamataas na pwesto sa lipunan ngunit hindi naghahari-hariang katulad ng mga prayle. Minarapat niyang magkaroon ng pantay na katarungan para sa lahat.

Buod.

Naunang kinausap ng Kapitan Heneral ang binatang nakagalitan ni Padre Damaso ng ito ay lumabas sa kalagitnaan ng sermon. Inakala ng binata na siya ay sasamain ngunit pagkatapos niyang makausap ang Kapitan Heneral ay nakangiti itong lumabas ng silid.

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 36: Ang Unang Suliranin

Posted on July 21, 2011

Narito ang maikling buod ng kabanata 36 ng Noli me Tangere. Isinasaad sa kabanatang ito ng Noli me Tangere ang desisyon ng mga prayle na paghiwalayin sina Ibarra at Maria Clara pagkaraang ma-exkomunikado ang binata.

Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan Kapitan Tiyago kayat naging abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat na pag-istima sa panauhin. May nalalabi pang oras upang makapag-gayak at ito ay sinamantala ng lahat maliban kay Maria Clara.

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 35- Mga Usap-usapan

Posted on June 3, 2011

Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 35.

Ang pangyayaring naganap sa pananghalian ay naging mainit na usapan sa buong bayan ng San Diego. Karamihan ay halos panig kay Padre Damaso sapagkat ayon sa kanila, hindi mangyayari ang nangyari kung nagtimpi lamang si Ibarra. Si Kapitan Martin lamang ang tunay na nakaunawa sa ikinilos ng binata, sapagkat walang sinuman ang hindi makakapag-pigil kung ang ama ang lalalapastanganin. Ang mga matatandang babae sa bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang pari sapagkat baka sila ay mapunta sa impyerno. Tanging si Kapitana Maria ang nalugod sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Ang mga magsasaka naman ay nawawalan ng pag-asa na hindi matuloy ang paaralan, na ang kahulugan niyon ay hindi pagkatuto ng kanilang mga anak.

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 34 – Ang Pananghalian

Posted on June 2, 2011

Maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 34.

Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago. Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si Maria sa gawing kanan at ang eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag sina Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle, mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra. Nagtaka naman ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso.

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 33 – Malayang Kaisipan

Posted on June 1, 2011

Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 33. Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong dilaw kay Ibarra. Nagkakilala rin sina Elias at Ibarra sa kabanatang ito. Matutunghayan ang katalinuhan ni Elias sa kabila ng kawalan nito ng pormal na edukasyon.

Palihim na dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-usap tungkol sa mga kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang mga kaaway kahit na ang hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng taong dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, bagamat mahiwatig ang binitiwang salita ng taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama".